Bagani: Isang Pagpuna sa Kanilang Casting System

A3278259-1BE4-4D1D-AEBE-2443DBF3B84B

Ang blog na ito ay nasa Wikang Filipino sapagkat ito ay sinadyang ipaskil para sa pagdiriwang ng Buwan Ng Wika. At dahil ang blog ko na ito ay tungkol sa pagsusuri ng mga pelikula at palabas sa telebisyon, tayo ay pupuna ng isang Pilipinong teleserye na pinamagatang “Bagani”.

Sadyang matunog ang teleseryeng Bagani sa internet na umani ng iba’t ibang mga reaksyon o saloobin mula sa mga netizens. Bago natin simulan ang pagsusuri, alamin muna natin kung sino ang mga bumubuo ng Bagani. Ito ay ginawa nina Henry King Quitain at Olivia Lamasan, isinulat nina Enrique Villasis, Akeem Del Rosario at Mae Rose Balanay, sa direksyon nina Richard I. Arellano, Lester S. Pimentel at ni Raz de la Torre, na pinangungunahan nina Enrique Gil, Liza Soberano, Matteo Guidicelli, Makisig Morales at Zaijan Jaranilla.

LizQuenBagani-750x354

Ang kwento ng Bagani ay umiikot patungkol sa hindi pagkakaunawaan ng limang tribo: Mga Taga-Patag, Taga-Kalakal, Taga-Laot, Taga-Gubat at Taga-Disyerto sa Sansinukob, isang mundo ng pantasya. May mga nagkukumpara nito sa kwento ng isa pang telepantasya (Encantadia) at sa kwento ng sikat na palabas na Game of Thrones, ngunit para sa akin naman ay malayo ang storyline nito.

Nais ko din pala ipaalam na ang susuriin ko dito ay hindi ang kwento kungdi ang paraan ng kanilang casting. Oo ang pangunahing usapin dito ay “Bagani” pero siguro ay maari din na patamaan na rin ang iba pang mga teleserye na tinatangkilik ng mga Pilipino.

Bagani-13

Ang mga netizens (kasama na ako roon) ay tila naiinis sa paraan ng kanilang casting. Pinipilit ng mga lumikha ng naturang teleserye na ang kwento raw ng Bagani ay kathang-isip lamang at hindi raw ito hango sa mga alamat o kwento na mula sa mga katutubo. Pero alam naman nating lahat na doon sila kumuha ng inspirasyon sa pagbuo nito (Wag kami). Hindi ko rin lubusang maintindihan kung bakit kailangan na kung sino lamang ang sikat, sila lang ang gagawing bida. Maaaring dahil ang pangunahing hangarin nila sa pagpproduce ng isang programa ay ang malaking kita. Pero sa tingin ko rin naman ay makakakuha sila ng maraming tagasubaybay kahit na ang mga ilagay nila sa kanilang palabas ay ang mga artistang pasok na pasok sa paglalarawan ng mga tauhan.

bAGANI-copy-600x292

Pansin ko lang na ang madalas na bumibida sa mga palabas ay mapuputi, matatangos ang ilong, matatangkad… Sa madaling salita ay mga mukhang banyaga. Kahit na hindi naman lubusang magaling sa pag-arte, basta maraming taga-hanga, pasok agad sa mga pangunahing pagganap. Para sa akin ay maganda ang konsepto ng Bagani dahil ipinagdiriwang nito ang kultura ng ating mga katutubo sa pamamagitan ng isang Pantaserye. Pero sana naman ang kinuha nilang mga aktor ay yung akma sa roles.

Source: talaanglayag.blogspot.com

PINULONGAN – WordPress.com

Manila Speak

Napakaraming mga talentadong aktor at aktres sa ating bansa na hindi nabibigyan ng mga proyekto nang dahil lamang sa hindi sila gaanong tinatangkilik ng madla. Nang dahil lamang sa mukha silang tipikal na Pilipino; hindi maputi, hindi matangos ang ilong, hindi gaano katangkaran. Bilang isang media practitioner sa hinaharap, nais kong mabago ang sistema ng casting system sa bansa. Sana ay baguhin nila ang mga requirements sa pagpili ng mga aktor na gaganap sa mga karakter.

 

Leave a comment